Negosyante pinagbabaril, todas
- Levi Gonzales
- Mar 26, 2019
- 1 min read

PATAY ang isang negosyante makaraang barilin ng nakaalitan nito sa Bgy. Lutucan 1, Sariaya, Quezon.
Base sa inisyal na report, pasado alas-11:00 ng umaga, pinuntahan ng biktimang si Edison Abril Sulit, 24, ng Bgy. Janagdong 2, ang lugar ng suspek na si Mark Bryan Valenzuela, 30, may asawa.
Nag-usap ang dalawa hanggang sa humantong sa pagtatalo kung saan agad umanong bumunot ng baril ang suspek saka binaril sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ang biktima saka tumakas.
Dead-on-the-spot ang biktima habang narekober sa crime scene ang 8 basyo ng bala ng kalibre .45 baril.
Patuloy naman ang manhunt operation para sa ikadarakip ng suspek.





Comments