NAZARETH-NU, CHAMP SA NBTC; SEAG MAY BAGONG AYUDANTE

PINAGTIBAY ng Nazareth School of National University ang kanilang estado bilang pinakamahusay na high school team sa bansa matapos nilang talunin ang La Salle Green Hills, 95-83, sa ikalawang sunod na taon sa Finals ng Chooks-to-Go NBTC League National Finals sa SM Mall of Asia Arena noong weekend.
Nanguna para sa Bullpups ang UAAP championship-winning core na sina Carl Tamayo, Terrence Fortea, at Gerry Abadiano sa pag-angkin ng basketball national championship para sa high school. “Everything na naa-achieve namin, sobrang saya kami,” wika ni NU coach Goldwin Monteverde. “Every tournament naman, we really prepare kaya masaya kami for this.”
Binigyan din ng papuri ni Monteverde ang “total team effort” ng ipinakita ng Bullpups na may limang manlalarong tumapos na may double-digits sa pamumuno ni Tamayo na nagposte ng 24-puntos at 18-rebounds para tanghaling Finals MVP.
Hindi natinag ang Bullpups sa ejection ng team captain na si Abadiano sa laro upang muling mamayani kontra LSGH na tinalo nila noong nakaraang taong finals, 80-78.
Samantala, pagsuporta ng buong puso para sa mga atletang sasabak sa biennial games ang ipinaramdam ng isang inuming magsisilbing ika-12 sponsor para sa isasagawa sa bansa na 30th SEA Games.
Lumagda kahapon na ginanap sa Kalayaan Hall, SM Aura sa BGC, Taguig matapos makipagkasunduan ang Philippine South East Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) bilang kapareha ang rehydration specialist Pocari Sweat at maging eksklusibong rehydration isotonic drink ng SEAG.
Buong pusong tinanggap ni PHISGOC Chairperson Alan Peter Cayetano ang malaking tulong mula sa energy drink na kinatawan ni Yoshihiro Bando, presidente ng PT Amerta Indah Otsuka at Kohei Otsuka, presidente ng Otsuka Solar Philippines Inc.
“The continuous outpouring of support from different multinational companies boosts our confidence that we can overcome all the challenges to deliver the best SEA games ever,” hayag ni Cayetano makaraang tanggapin ang tulong sa sponsor.





Comments