top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Nabulgar, meal allowance ng MWSS officials umabot ng P8 milyon sa loob ng isang taon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 26, 2019
  • 2 min read

MASISIBA PALA ANG MGA OPISYAL NG MWSS — Na-shock ang Commission on Audit (COA) sa kanilang natuklasan na sa kabila ng matataas na suweldo ng mga opisyal ng MWSS ay sa kaban pa ng bayan nila kinukuha ang ginagastos nila sa pagkain at ang matindi ay sa loob lang ng isang taon ay umabot sa mahigit P8 milyon ang kanilang meal allowance.

Dahil d’yan, inatasan ng COA ang mga opis­yal ng MWSS na isauli sa kaban ng bayan ang P8 milyong ginas­tos nila sa kanilang pagkain.

Masisiba pala ang mga opisyal ng MWSS kasi mantakin ninyo, sa loob lang ng isang taon ay P8 milyon ang kanilang nagastos sa tsibug, mga buwisit!

◘◘◘

EX-SEC. ALCALA, INUULAN NANG KASO—Sinampahan ng panibagong kaso ng katiwalian si ex-Sec. Proceso Alcala ng Department of Agriculture (DA) kaugnay sa pakikipagsabwatan umano nito sa smuggler na si Lea Cruz sa pagkontrol ng supply ng bawang na pumapasok sa bansa na nagdulot upang pumalo sa P400 ang presyo ng isang kilong bawang noong 2014.

Marahil, akala ni ex-Sec. Alcala ay forever na siya sa puwesto at walang katapusan ang kanyang pagpapakasasa sa posisyon, eh, ang problema ay natalo sa presidential election ang “manok” nila sa LP na si ex-DILG Sec. Mar Roxas kaya heto ngayon at inuulan na siya ng sangkaterbang kaso na may kaugnayan sa mga katiwaliang ginawa niya sa kanyang tanggapan, period!

◘◘◘

DUTERTE GOV’T., TAKOT KAY MISUARI?—Nagpahayag ng pa­ngamba si P-Duterte sa banta ni MNLF Chairman Nur Misuari na gigiyerahin ang gob­yerno kung hindi matutuloy ang federal form of government.

Kung ganu’n, hindi pala si P-Duterte ang tunay na may gusto ng Pederalismo kundi si Misuari?

Hay naku, sa lahat ng mga naging gobyerno, ang administrasyong Duterte lang ang tila nagpapakita ng takot kay Misuari, buwisit!

◘◘◘

BABAHA NA NA­MAN ANG DUGO NG MGA SUNDALO AT NPA—Tuluyan nang ibinasura ni P-Du­terte ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Dahil d’yan, asahan nang babaha na naman ang dugo sa pagitan ng mga sundalo ng pama­halaan at mga rebeldeng NPA, hu-hu-hu!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page