top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

MPBL NORTHERN DIVISION SEMIS SIMULA NA: BATAAN VS. MANILA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 26, 2019
  • 2 min read

HALOS isang taon din ang hinintay ng Bataan para sa muling pakikibaka kontra Manila, ang unang team na siyang tumalo sa Risers sa MPBL Datu Cup.

Ngayong Martes, muling magbabakbakan ang dalawang squad sa simula ng northern division best-of-three semifinal series sa People’s Center sa Balanga, Bataan.

Sa mas pahirapang laban, asahang isang uri ng A-game ang ipamamalas ng Zetapro-backed Risers at ng Robust Energy-sponsored Stars sa kanilang 9 p.m. na engkuwentro matapos ang laban ng San Juan-Quezon City series opener ng 7 p.m.

The real playoffs begins for us this time,” ayon kay Bataan head coach Jojo Lastimosa, na naaalala ang unang pagkatalo ng kanyang team sa torneo sa kamay ng Stars. “There were a lot of changes happened. This is a different Bataan team and they’re also a different Manila team. Both teams have become better as the tournament progresses. This will be our biggest test in the tournament.”

Halos may magkaparehong tikas ang dalawang teams. Ang Bataan ay may point guard na si Pamboy Raymundo, Gary David, Gab Dagangon, Alfred Batino at Vince Tolentino na pangunahing starters ng ilang mga laro nila, pero may pambato ang Risers tulad ng mga inaasahang reserves na sina Byron Villarias, prized acquisition Yvan Ludovice, Richard Escoto, Bernie Bregondo, Rob Celiz, Achie Iñigo at ang homegrown na si Gio Espuelas.

Ibabalandra ng Stars ang young stars na sina Chris Bitoon, Aris Dionisio, ex-pros Roger Yap, Riel Cervantes, Marvin Hayes, at Marcy Arellano, frontliners Mark Cruz at McLean Sabellina, Mac Montilla at Adrian Celada na pawang handa sa mainit na laban. Pareho rin ng excitement na ito sa laban ng San Juan at Quezon City.

Ang Big J sports-backed Knights ay may tsansang muling ibalik ang old winning tradition. Halos dalawang dekada ang nakaraan, nagwagi ang San Juan ng kampeonato sa Metropolitan Basketball Association, ang kahalintulad ng MPBL. Ang nag-mentor sa Knights sa kampeonato noon ay si Philip Cezar na hawak ngayon ang Manila. Para sa Quezon City, isang oportunidad ito na muling ibalik ang kanilang pride. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page