Lending collector tinodas
Pabs Hernandez III
Mar 26, 2019
1 min read
PANGASINAN—Isang collector ng lending company ang napatay nang barilin ng hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. Tapuac, Dagupan City sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Zandro Bustillo, nakatira sa Bgy. Tuliao, Sta. Barbara sa nasabing lalawigan.
Patuloy na ang imbestigasyon ng mga awtoridad para mabatid ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.
Kaugnay nito, nagpalabas na rin ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.





Comments