Kelot nag-amok sa party, 3 nadale
- Levi Gonzales
- Mar 26, 2019
- 1 min read

NAUWI sa pananaksak ang masayang sayawan sa barangay matapos mangursunada ang isang lasing sa Bgy. Kilogan, Patnanungan, Quezon.
Batay sa imbestigasyon, alas-2:30 ng madaling-araw, habang nasa sayawan na inorganisa ng biktimang si Nico Castillo, 20, nang mangursunada ang lasing na suspek na si Cereno Priol, 22, construction worker.
Agad nitong sinuntok sa mukha si Castillo kung saan nakita ito ng tiyuhin ng biktima na si Nilo Castillo, 56.
Sinigawan umano nito ang suspek at bumunot ng patalim saka pinagsasaksak ang magtiyuhin na naging dahilan ng agarang kamatayan ng nakababatang Castillo.
Umawat naman sa gulo ang pangatlong biktimang si Randy Francia, 31, na sinaksak din ito sa dibdib at likod.
Agad isinugod sa pagamutan ang dalawa pa habang nakatakas ang suspek.





Comments