JAMES, BINUTATA ANG KINGS, MEMA PA SA HARI?


BUMAKAS ng 29 puntos si LeBron James, 11 rebounds at 11 assists upang pagharian ang Los Angeles Lakers tungo sa 111-106 na panalo kontra sa bisitang Sacramento Kings sa NBA game kahapon.
Umiskor din si Kyle Kuzma ng 29 points habang natakasan ni JaVale McGee ang maagang foul trouble para tumapos na may 17 points, 14 rebounds at five blocks na pabor sa Lakers at tuluyang putulin ang limang sunud-sunod na pagkatalo.
Nakapag-ambag si Marvin Bagley III ng 25 points at 11 rebounds para sa Kings, na lumagpak sa 6 1/2 games sa likod ng San Antonio Spurs at mapapuwesto sa 8th place sa Western Conference para sa nalalabing 9 na laro.
Si Buddy Hield, na binasag ang single-season franchise record para kumana ng tres puntos sa Kings, ay humalihaw ng 5 for 11 ng 3-point range at tumabo ng 18 points habang si Bogdan Bogdanovic ay nagdagdag ng 17 points.
Nakalalamang ang Lakers sa 15 points nang kumana ng hook shot si McGee sa 10:51 na nalalabi sa game, pero sina Bagley at Bogdanovic ang tumulong sa paghila sa Kings sa tig-2 points sa nalalabing 6:09 minuto.
Trumangko pa ang Lakers ng 5 puntos sa opening quarter bago nakuha ang 22-20 lead sa sumunod na quarter.
Samantala sa iba pang laban, nakagawa si James Harden ng 28 points nang sumakay ang Houston Rockets sa playoff berth sa bisa ng 113-90 victory laban sa host New Orleans Pelicans. Napanatili ni Harden, na may NBA average record na 36.4 points kada laro ang kanyang momentum na may pinagsamang 118 points sa dalawang sunod na laro.
Naglaro lamang siya sa kabuuang 29 minuto nang humakot ng 14-point lead sa pagtatapos ng first quarter at pumalaot na sa ika-14 nilang panalo sa 16 na laro at nanatiling nasa 3rd place sa Western Conference. (MC/ATD)





Comments