Dahil sa kaliwa't kanang giyera, ekonomiya ng buong mundo, nganga!
- BULGAR

- Mar 26, 2019
- 1 min read
NAGLUSTAY ng mahigit P8 milyon ang mga MWSS executive para sa kanilang pagkain.
Kinumpirma ‘yan ng isang report sa COA!
◘◘◘
HIGIT na malusog ngayon ang relasyon ng China at Pilipinas.
Saksi riyan ang populasyon ng Spratlys Island!
◘◘◘
INAMIN ng Malacañang na “nakasanla” raw sa China ang natural resources ng Pilipinas.
Sa Bumbay na lang tayo mangutang para walang collateral.
Pero, araw-araw silang maniningil sa Palasyo!
◘◘◘
NABABANGKAROTE na ang ekonomiya ng buong daigdig.
Dahil sa kaliwa’t kanang giyera!
◘◘◘
KINOKONTRA ng mga motorista ang malaking plaka.
Pero, hindi nila ipinoprotesta ang mataas na presyo ng petrolyo!
◘◘◘
NAGBABAGO na raw ang klima sa Pilipinas.
Pwes, dapat baguhin na rin ang mga ehekutibo ng PAGASA!
◘◘◘
MATUTUYOT daw ang Angat Dam.
Imposible!
◘◘◘
KINASUHAN ng 2 ex-government officials ng Pilipinas si Chinese Pres. Xi Jin Ping sa ICC.
Aksaya lang ng pera at panahon!
◘◘◘
NATATAKOT na mabaon sa utang ang Pilipinas sa China.
Bakit ‘yung P2 bilyong inutang sa Bataan Power Plant, nabaon ba ang Pilipinas kahit hindi nagamit?





Comments