top of page
Pokwang.jpg

Worried dahil pabalik-balik ang pigsa kahit umiinom ng antibiotic

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 25, 2019
1 min read

Dear Doc. Shane,

Nang makapagtrabaho ako bilang cashier sa mall, napansin kong madalas akong tubuan ng pigsa. Nawawala rin ito ngunit, pagkalipas nang isa hanggang dalawang linggo ay bumabalik din agad. Nagtataka ako kung bakit nagpapabalik-balik ang aking pigsa kahit iniinuman ko naman ito ng antibiotic. Normal lang ba ito dahil may katabaan ako? — Maureen

Sagot

Ang pabalik-balik na pigsa ay maaaring senyales ng mahinang immune system.

Narito ang ilang paraan para mapalakas ang immune system:

  • Pagkain ng masusustansiyang pagkain

  • Pag-iwas sa stress

  • Pagtulog nang tama sa oras

  • Pag-iwas sa mga bisyo tulad ng pag-inom at paninigarilyo.

Gayundin, maaaring maging dahilan ng pabalik-balik na pigsa ang hindi wastong pag-inom ng antibiotic o kaya ay iba pang problema sa kalusugan na nagpapabagal sa kakayahan ng katawan na lumaban sa mga impeksiyong tulad ng pigsa. Magpatingin agad sa doktor upang masuri kung ano ang posibleng dahilan ng pabalik-balik na pigsa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page