top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Siklista binaril sa dibdib, utas

Madel Moratillo
Mar 25, 2019
1 min read

PATAY ang isang siklista matapos barilin sa dibdib ng isang hindi pa nakilalang suspek habang sakay ng kan­yang bisikleta sa Taytay, Rizal kamakalawa ng hapon.

Ayon sa Taytay Police Station, bandang alas-5:00 ng hapon nang isagawa ang pagpatay sa biktimang si Ra­him Enabitan, nasa hustong gulang.

Sakay umano ng kan­yang mountain bike ang biktima nang bigla na lang barilin ng hindi kilalang sus­pek sa Bgy. Sta. Ana, Taytay.

Tinamaan sa dibdib ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong ka­matayan.

Nakatakas naman ang suspek na pinaghahanap na ngayon ng mga awtoridad.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page