top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sakto ngayong marami sa atin ang puwedeng mag-summer job... 5 TIPS PARA MAS MAPADALI ANG PAGBA-BUDGE

  • Jersey Sanchez
  • Mar 25, 2019
  • 2 min read

No Problem

AMININ man natin o hindi, mara­mi sa atin ang hirap sa pagba-budget, partikular sa mga young adult na nag­sisimula nang pasukin ang mundo ng #adulting. Pero, no need to worry dahil para sa mga millen­nial na nahihira­pang mag-budget diyan, we got you! Kaya narito ang limang tips para mas mapadali ang inyong pagba-budget:

1. 50-30-20 RULE. Maraming nahihirapang mag-manage ng suweldo dahil sa kakulangan sa tamang paglalaan ng halaga sa bawat gastusin. Dahil diyan, inirerekomenda natin ang 50-30-20 rule kung saan ang 50% ng iyong suweldo ay mapupunta sa araw-araw mong pangangailangan, 30% sa mga gustong bilhin o luho at 20% sa savings. Sa ganitong paraan, siguradong wala kang makaliligtaang itabi, in short, hindi ka maso-short. Ha-ha-ha!

2. MONITOR YOUR EXPENSES. Hindi weekly o monthly kundi daily, besh! Inirereko­men­da natin ang paglilista ng iyong nagagastos mula sa maliit hanggang sa pinakamalaki. Maglalaan ka nga lang ng extra effort sa paglilista ng bawat gastos mo, pero siguradong makatutulong ito upang ma-monitor mo ang iyong nagagastos, araw-araw. Gayunman, kung lumagpas ka sa daily allowance mo, mas madali mong makikita ang hindi na dapat paglaanan ng pera dahil may listahan ka. Copy?

3. THE ENVELOPE METHOD. Kung hindi ka pa kumbinsido sa pag-iipon ng pera sa bangko, oks lang ‘yun dahil siguradong kakayanin mo pa ring mag-ipon sa paraang ito. Paano? Ilagay sa magka­kahiwalay na envelope ang budget para sa pang-araw-araw na pangangailangan, savings at budget para sa iyong mga gustong bilhin. Sa ganitong paraan, mas madali mong mamo-monitor ang iyong budget sa bawat bagay.

4. START AN EMERGENCY FUND. Aminin man natin o hindi, ito ang hindi napa-prioritize ng karamihan pagdating sa pagba-budget. Kaya kung nagkaka-emergency, eh, hindi naiiwasang mabawasan ang budget para sa araw-araw na pangangailangan. Well, hindi naman natin sila masisisi dahil iba-iba tayo ng level ng pangangailangan at priority. Gayun­man, sa pagkakaroon nito, hindi mo kailangang maglaan ng malaking halaga para rito, ang importante ay may maitabi ka kada su­weldo. ‘Ika nga nila, kapag may isinuk­sok, may madurukot. He-he-he!

5. CUT-OUT UNNECESSARY BILLS. For sure, may mga beshy tayo riyan na naka-subs­cribe sa music at movie applications na dehins na madalas magamit dahil naging busy na sa trabaho, gayundin, ang gym membership. Kung dehins na talaga ginagamit at sa tingin mong sayang ang iyong pera sa patuloy na pagbabayad nito, stop na, besh! Siguradong maraming alternatibong pa­raan para makinig ng music, gayundin ang panonood ng mga pelikula.

Oh, ayan, mga besh, sana ay nakatulong ang ilang tips na ito para sa inyong adulting v2.0. Ha-ha-ha! Make sure na gagawin ninyo ang mga ito, ha?

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page