top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pinagalitan ng tatay sa nawalang P500 | GRADE 6 NAGBIGTI, PATAY

  • Madel Moratillo
  • Mar 25, 2019
  • 1 min read

ISANG Grade 6 ang nagbigti matapos umanong mapagalitan ng kanyang ama sa lalawigan ng Rizal, Linggo ng umaga.

Kinilala ng mga tauhan ng Rodriguez Police Station ang biktima sa alyas Nat, 13-anyos.

Sa ulat ng pulisya, alas-8:30 ng umaga kahapon nang matagpuan ng kanyang ka­ibigan ang bangkay ng bik­tima na nakabigti sa likurang bahagi ng isang abando­na­dong bahay.

Sinasabing pagtatampo sa kanyang ama ang posib­leng dahilan ng pagpapati­wakal ng biktima matapos matukoy ng mga awto­ridad na bago ang suicide ay na­pagalitan si ‘Nat’ ng kan­yang ama nitong Sabado at nasisi dahil sa nawalang P500.

Dahil sa sama ng loob ay umalis umano ang biktima at hindi na umuwi.

Laking panlulumo na­man ng pamilya nang kina­bukasan ay matagpuan na itong nakabigti at wala ng buhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page