top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

PCUP, caravan, tunay na malasakit ng gobyerno sa masang pinoy!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 25, 2019
  • 2 min read

DALAWANG libong Aklanon ang nabiyayaan ng iba’t ibang government services sa ginanap na Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) Caravan noong Marso 21. Ito na ang ikaapat na caravan sa buong bansa at patuloy pa rin ang pagbaybay ng ating mga kasamahan sa PCUP upang makapagbigay-serbisyo sa masang Pilipino.

Tinatayang mahigit 10, 000 mamamayan natin ang nakikinabang sa caravan mula nang nailunsad natin ito noong Pebrero. Sinisikap pa nating dumami ang mabiyayaan ng tunay na malasakit ng gobyerno sa iba’t ibang panig ng bansa.

Tanong: Magandang araw! Ako si Lea, palagi kong nakikita sa FB page ng PCUP ang tungkol sa inyong caravan. Gusto kong malaman kung ano ang mga ginagawa sa caravan?

Sagot

Ang caravan ay ‘whole-of-government approach’ kung saan pagsasamahin ng PCUP ang iba’t ibang serbisyo ng gobyerno para ibaba sa inyong lugar. Ito ay isa sa mga banner program ng PCUP kasama ang Urban Poor Privilege Card at Adopt-a-Community Program.

Dito mabibigyan ng libreng check-up, gamot, bakuna at iba pang serbisyong-medikal na hatid sa atin ng Department of Health (DOH), Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Mayroon ding libreng skills training, masahe at gupit na handog sa atin ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Inihahain din ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga available na trabaho sa bansa at abroad para sa mga kababayan nating nais makapag­hanapbuhay.

Nariyan din ang libreng legal assistance mula sa Public Attorney’s Office (PAO), housing assistance mula sa National Housing Authority (NHA), Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) at Social Housing Finance Corporation (SHFC) at business registration ng Department of Trade and Industry (DTI). Mayroon ding orientation ng iba’t ibang programs and services mula sa partner natin sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Agriculture (DA), Social Security System (SSS) at lokal na pama­halaan tulad ng natanggap ng mga taga-Aklan.

Ang mga serbisyo na ating maibibigay ay base sa kakayahan ng mga kapwa natin government agencies. Ang PCUP ay magsisilbing tagapag-ugnay ng government agencies upang maihatid sa inyo ang tunay na serbisyo-publiko.

Hindi lang dito matatapos ang ating caravan dahil ngayong Marso 29, ang PCUP ay nasa Bgy. Dalahican, Mati City at ngayong Abril 2 ay nasa Mariveles, Bataan. Iaanunsiyo namin kung kailan at saan ang susunod na mga caravan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page