PATAYAN PARA SA FINAL ANG PAKAY NG BATANGAS AT IMUS
- BULGAR

- Mar 25, 2019
- 1 min read

APAT na teams, dalawa ang kailangang makaalagwa. Mamayang gabi, magho-host ang Batangas City ng dalawang knockout matches na itatampok ang pambato nilang Tanduay-backed Athletics na haharapin ang Imus Bandera-GLC Truck and Equipment habang ang Zamboanga-Family’s Brand Sardines ay kontra sa Muntinlupa Cagers-Angelis Resort.
Asahang daragundong ang ingay sa Batangas City Coliseum para sa Athletics, ang inaugural staging champions na pakay ang back-to-back titles. Pero magkakaalaman sa 9 p.m. nilang laban kontra Bandera na pareho ring determinadong manalo tulad nila.
Sa magkahiwalay nilang laban, nagawang pahirapan ng Imus ang Batangas City kasunod ng 75-69 win noong Huwebes, at tiniyak ng Bandera na maka-upset laban sa second-ranked team sa playoffs.
“Gusto ko yung tsansa namin. Kasi nga napatunayan namin na kaya naming manalo and even nu’ng natalo kami sa Batangas, we’ve proven that we can compete with them,” ayon kay Imus coach Noy Falcasantos.
Idinagdag ni Falcasantos na dahil ito ay do-or-die game, lahat nakahanda para sa final. “Except the home court advantage,” dagdag ni Falcasantos. “It’s something we have to live with. If we want to win, winning in Batangas would be sweeter.”
Ang serye sa pagitan ng Zamboanga at Muntinlupa ay nakatakda na para sa rubber match, ito ay matapos na ang team ng Sardines ay nakaisa sa Cagers sa harap ng nagkakaingay na crowd noong Huwebes.
Ang dalawang team ay maghaharap ng 7 p.m. Ngayong nasa neutral ground, mas matatag ang Zamboanga sa tsansa nila habang sina Harold Arboleda, Reed Juntilla, Robin Roño at kanilang supporting cast ay determinadong patagalin pa ang season at makabalik sa kanilang balwarte para sa semifinal round. (MC)





Comments