Mga "manok" ni P-Digong, tagilid sa mga rider na pumapalag sa doble-plaka, hmmm...
- BULGAR

- Mar 25, 2019
- 2 min read
SENATORIABLES NI P-DUTERTE, TAGILID SA MGA RIDER—Nagalit ang mga rider sa isinabatas ni P-Duterte na malalaking doble-plaka (harap at likod) na ang ikakabit sa mga motorsiklo dahil ayon sa mga rider ay napakadelikado nito na puwedeng pagmulan ng aksidente sa lansangan.
Dahil sa galit, posibleng ibasura ng mga rider ang mga kandidato ni P-Duterte sa eleksiyon.
Kaya sa mga kandidatong nakapasok sa Top 12 senatoriables survey ng Social Weather Stations (SWS) at Pulse Asia, huwag kayong pasisiguro na mananalo kayo sa eleksiyon kasi malaki ang tsansa na isnabin kayo ng milyun-milyong riders kaya mas malamang pagkatalo ang aabutin ninyo sa halalan, boom!
◘◘◘
P-DUTERTE VS. SEN. LACSON?—Matapos maliitin ni P-Duterte ang isinampang kasong crime against humanity sa International Criminal Court (ICC) nina ex-Ombudsman Conchita Morales at ex-DFA Sec. Albert del Rosario laban kay Chinese Pres. Xi Jinping na may kaugnayan umano sa pananakit, pananakot at pagtataboy ng mga Chinese Coast Guard sa mga mangingisdang Pinoy sa kasagsagan ng pagtatayo ng China ng istruktura sa West Philippine Sea (WPS) ay nanawagan si Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa taumbayan na suportahan ang isinampang kaso nina Morales at Del Rosario laban sa Chinese president.
Naku, huwag magkakamali si P-Duterte na murahin si Sen. Lacson dahil tiyak reresbak ito dahil kilalang taklesa rin ang senador na ito, ha-ha-ha!
◘◘◘
PUWESTO NG DROP BALLS AT COLOR GAMES NI “LESLIE” SA BULACAN, FRONT NG BENTAHAN NG SHABU—Ang mga puwesto raw ng raket na drop balls at color games ni “Leslie” sa Bulacan ay ginagawang front ng bentahan ng shabu.
O, ano Bulacan PNP Director/Col. Chito Bersaluna, “nganga” ka na lang ba sa raket ni “Leslie”? Aba, aksiyon na, ipatokhang mo na si “Leslie”, dali!





Comments