DASMARIÑAS, BIG TIME FIGHTER WAGI SA IBF ELIMINATOR BOUT
- MC/Alvin Olivar
- Mar 25, 2019
- 1 min read

YAKANG-YAKA na umano ng Pinoy boxers na magkaroon ng oportunidad na mapasabak sa mas malalaking laban sa ibang bansa. Iyan ang paniniwala ni 8th Division World Champion Manny Pacquiao makaraang magwagi ang isa pang Pinoy sa isang bakbakan kamakailan.
Ginitla ni Camarines Sur-native Michael “Gloves on Fire” Dasmariñas si Kenny “Big Heart” Demecillo sa bisa ng unanimous decision sa kanilang IBF eliminator fight na idinaos sa Resorts World noong Sabado ng gabi sa harap ng mga manonood kabilang na sa audience si Senator Manny Pacquiao.
Nagbigay ang judges ng score cards na 116-112, 115-113, 117-111 pabor kay Dasmariñas na kailangang bakantehin ang kanyang IBO world bantamweight title, upang makasabak sa laban.
Ayon kay Dasmariñas, “All out po ako sa laban na ito, wala akong naging doubt sa training ko, mentally and physically, naging preparado ako para sa laban na ito. Sobrang saya ko po na nanalo ako.”
Ang boxing match ay unang co-promoted venture sa pagitan ng Singapore-based Ringstar Asia na pinamumunuan ni Scott Farrell at MP Promotions ni Pacman.
Ang huling tatlong laban ni Dasmariñas kabilang ang kanyang IBO world title win ay noong 2018 na idinaos lahat sa Singapore.
Ang fight card ay may 10 bouts kabilang na si Singaporean boxer Muhamad “The Chosen Wan” Ridhwan na natalo sa split decision kay Pinoy boxer Cris Leon.
Nang tanungin si Pacquiao hinggil sa event at sa unang co-promotion, aniya, “They were exciting fights, everybody’s happy, it was a very successful promotion. This is also a good opportunity for Filipino boxers to have a chance to fight outside the country, specially in the United States''





Comments