top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

CHELU, MASASALUHAN KAYA ANG ATENEO SA LIDERATO NG D-LEAGUE?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 25, 2019
  • 1 min read

MAKASALO sa ika­lawang puwesto ng Aspi­rants Group ng Cignal-Ate­neo ang tatangkain ng Chelu Bar and Grill sa hapong ito sa pagpapatuloy ng 2019 PBA D-League na lilipat ang aksiyon sa Quezon City sa pagdaraos ng double header sa JCSGO Gym sa Cubao.

Nakatakdang makasa­gupa ng Revellers sa huling laro ganap na ika-4:00 ng hapon ang baguhang McDa­vid kasunod ng unang sal­pukan ng mga Foundation Group teams The Master­piece Clothing-Trinity Uni­versity of Asia ganap na alas-2:00 ng hapon.

Hawak ng Revellers ang markang 2-1, panalo-talo ka­salo ang Petron-Letran sa ikatlong puwesto at may isang panalo ang layo sa pu­mapangalawang Cignal-Ateneo.

Galing ang Chelu sa 89-63 panalo kontra Batan­gas-EAC noong Marso 12 sa pamumuno nina Sean Ma­nganti at Jesse Collado.

Sa kabilang dako, mag­susumikap na masungkit ng McDavid ang mailap na unang panalo para maka­ahon mula sa kinalalagyang buntot ng standings kasalo ng Family Mart-Enderun College sa markang 0-3.

Samantala sa unang la­ban, pupuntiryahin ng Mari­nerong Pilipino ang solong ika-4 na puwesto ng Foun­dation Group sa pagtutuos nila ng winless pa ring The Masterpiece Clothing-Tri­nity.

Taglay ng Skippers ang patas na barahang 2-2, ka­salo ng Diliman College-Gerry’s Grill kasunod ng Wangs Basketball (2-1), Metropac-San Beda (3-1), Valencia City-San Sebas­tian (3-1) at ng ‘di pa natata­long CEU (4-0).

Ang Stallions ay ‘di pa rin nakakatikim ng panalo matapos ang tatlong laro kung kaya nasa ilalim ito ng Foundation Group kasama ng SMDC-NU (0-4). (VA)

header.all-comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page