5 yrs. old na utol nagsumbong kay mommy | 15-ANYOS SEX SLAVE NG STEPDAD

TIMBOG ang 38-anyos na construction worker makaraang mabuking ng kanyang limang taong gulang na anak ang ginagawang pangmomolestiya sa kanyang 15-anyos na stepdaughter kamakalawa ng madaling-araw sa kanilang bahay sa Baseco Compound, Port Area, Manila.
Binitbit sa Manila Police District Headquarters, ang suspek na si Irwin Castro.
Batay sa imbestigasyon, inamin ng biktima na dalawang taon na siyang minomolestiya ng amain at aksidente itong nakita ni ‘May’, 5, anak ng suspek at stepsister naman ng biktima.
Ayon sa dalagita, tuwing momolestiyahin siya ng amain ay pinagbabantaan siya na papatayin ang kanyang nanay kapag nagsumbong, kaya natakot umano siya na sabihin ito sa ina.
Gayunman, nakita ng kanyang stepsister ang ginagawang kahalayan sa kanyang ate ng kanyang ama kaya isinumbong ito sa kanilang ina na agad namang humingi ng tulong sa barangay.
“Nilalamas lang po niya ‘yong dibdib ko tapos ipapasok niya yong daliri niya sa ari ko, habang ginagawa niya nagbabanta siya na papatayin daw niya ‘yung nanay ko kaya natakot ako na magsumbong,” ayon sa dalagita.
Alas-2:00 ng hapon nang bitbitin si Castro sa Baseco Police Community Precinct saka itinurnover sa MPD-Headquarters upang sampahan ng kaukulang kaso.





Comments