top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sakto ngayong talamak ang iba’t ibang sakit... TIPS PARA HINDI KATAKUTAN ANG PAGBABAKUNA

  • Jersy Sanchez
  • Mar 24, 2019
  • 2 min read

HINDI natin maikakaila na malaking challenge kina mommy at baby ang pagpapabakuna dahil takot si bagets sa karayom. Hu-hu-hu! ‘Yung tipong katakut-takot na iyakan at pilitan muna ang mangyayari bago tuluyang ma­pabakunahan si bagets. Pero, mommies, no need to worry dahil narito na ang 6 tips para hindi matakot si bagets sa bakuna:

1. NUMB THE SKIN. Ayon sa mga eksperto, ang paggamit ng anesthesia sa bahagi ng katawan na tutusukin ng karayom ay nakatutulong upang mabawasan ang sakit. Gayunman, kung gagamit nito, mabuting hingin ang opinyon ng doktor kung puwede kay bagets ang anesthesia. Copy?

2. GIVE A PACIFIER. Kung hindi mo naman bet gumamit ng anesthesia, mamsh, don’t worry dahil keri kang tulungan ng pacifier. Para gamitin ito, ibabad sa sugar water ang pacifier ilang minuto bago ang pagbabakuna. Makatutu­long din umano ito para maba­wasan ang sakit na maaaring ma­ramdaman ng inyong mga anak.

3. DON’T RESTRAIN THE CHILD. Marami sa atin ang pi­nipigilan o hinahawakan nang ma­higpit para lang mabakunahan. Pero, ayon sa mga eksperto, hindi umano ito naka­tutulong para ma­bakunahan nang maayos si ba­gets, bagkus, nagbibigay lang ito ng mind­set na masakit ang magpa­bakuna.

4. DISTRACT, DISTRACT, DIS­TRACT. Sa lahat ng pagka­kataon, effective ito, mamsh! Inire­rekomenda ng eksperto ang pag-distract sa mga bata bago sila bakunahan sa pamamagitan ng pagka­usap, pag-e-engganyong kumanta at iba pa. Para-paraan lang ‘yan, mga beshy! He-he-he!

5. ACT IT OUT. Ayon sa mga eksperto, ang pagro-role play bago pumunta sa doktor ay epektibo umano sa mga bagets na nasa edad 2 hanggang 5. Gayundin, maganda umanong gumamit ng toy medical kit o magbasa ng libro tungkol sa pagpunta sa doktor. Sa ganitong paraan, malalaman ni bagets ang dapat niyang i-expect sa pagpunta sa doktor.

6. SPEAK UP. Kung dehins mo talaga alam kung ano ang dapat gawin para mapabakunahan si bagets, walang masama kung magtatanong ka sa inyong doktor dahil ‘ika nga nila, “huwag mahihiyang magtanong”. Mabuting hingin ang opinyon ng mga eksperto dahil mas alam nila ang dapat gawin.

Oh, ayan, mga mamshie, hindi na kayo dapat kabahan tuwing vaccine day ni bagets dahil puwe­deng-puwede ninyong subukan ang mga ito. Gayunman, mabuting iparamdam kay baby na ang pagpapabakuna ay hindi masakit, gayundin, ipaliwanag sa kanila na ito ay mahalaga sa kanilang kalusugan.

Okie?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page