'Pinas kapag napasailalim sa komunismo, 'di tatantanan ng mga Kano, period!
- BULGAR

- Mar 24, 2019
- 2 min read
NAGUGULO at bangkarote na ang gobyerno ng Venezuela.
Kung naagaw ng CPP-NPA ang gobyerno mula kay dating Pangulong Ferdinand Marcos, ganyan din mismo ang mararanasan ng Pilipinas!
◘◘◘
ARAW-ARAW ay guguluhin ng Kano ang Republika ng Pilipinas kung tayo ay napasailalim sa mga kuko ng komunismo.
‘Yan ang isang mapait na katotohanan!
◘◘◘
WINAKASAN na ni Pangulong Digong ang peace talks, as in, “final” na talaga.
Wala sa kabaong ang “peace talks” sa CPP-NPA, pero inilibing na ito ng Malacañang!
◘◘◘
ISANG masamang regalo sa anibersaryo ng CPP-NPA ngayong Marso 29 ang permanenteng pagbasura sa peace talks.
Naglilitawan na ang “karumal-dumal” na sitwasyon sa loob ng naturang kilusan!
◘◘◘
LUMANTAD ang isang dating kadre na si alyas Louie kung saan inalala niya ang malagim na sinapit ng kanyang matalik na kaibigan na isang kadre na si Ka Apol.
Pareho silang na-recruit sa unibersidad, pero napatay sa engkuwentro si Ka Apol!
◘◘◘
DATING propesor si Ka Louie, tinangka niyang pigilin si Ka Apol at isa pang kaibigan nitong si Ka Czes na pareho niyang estudyante.
Inalok na maging political officer ng NPA ang dalawa, pero napigil ni Ka Louie si Ka Czes, pero tumuloy sa pagrerebelde si Ka Apol!
◘◘◘
HEPE ng Regional Youth ng CPP-NPA sa NCR si Ka Louie mula noong 1980 hanggang 1990 kaya alam niyang wala itong kauuwiang maganda sa hinaharap.
Nakatapos ng pag-aaral si Ka Louie at naging propesor.
Si Ka Czes ay katuwang ng isang senador ngayon at nag-aaral ng abogasya.
Pero, si Ka Apol ay napatay sa engkuwento sa Tanay, Rizal!
◘◘◘
AKTIBO si Ka Apol sa pang-aagaw ng lupain ng mga asendero at pulitiko na rumesbak sa kanya.
Kinaladkad ang kanyang bangkay sa plaza at inilibing sa paanan ng Sierra Madre!
◘◘◘
NANANAWAGAN sina Ka Louie at Ka Czes sa kabataan na huwag tularan si Ka Apol.
Bigyan dapat ng prayoridad ang pag-aaral at pamilya imbes na isulong ang ideyang walang kongkretong patutunguhan!
◘◘◘
SA pinakahuling balita, binuwag na ni Pangulong Digong ang peace panel na pinamunuan ng Labor secretary.
Pero, iniutos niyang kausapin ang mga lider ng NPA sa bawat lalawigan at pakiusapang magsalong ng armas at magbalik sa lipunan!





Comments