Notoryus na holdaper-killer, timbog

TIKLO ang umano’y notoryus na holdaper at killer matapos matunton ng pulisya ang kanyang pinagtataguan sa Bgy. Coloconto, San Juan, Batangas.
Sa pinagsanib-puwersa ng iba’t ibang ahensiya ng pulisya katuwang ang mga sundalo, alas-5:30 ng hapon, sinalakay ang kinaroroonan ng akusadong si Dexter James Eleazar, 34, may asawa, ng Bgy. Palingowak, ng naturang bayan.
Bitbit ang warrant of arrest sa kasong robbery with homicide kung saan nag-ugat ang nasabing krimen sa Lipa City, Batangas.
Sa impormasyon, 2015 nang harangin nito ang sasakyan ng biktimang si Plenio Anuslay, na may dalang pera na pampasuweldo sa mga empleyado sa Bgy. Pinagkawian.
Agad umano nitong binaril ang biktima saka tinangay ang malaking halaga ng pera. Tinaguriang number 1 most wanted ng Lambat Sibat si Eleazar.





Comments