top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Nag-suicide daw, mister natakot | MISIS NAILIBING NANG BUHAY

Jeff Tumbado
Mar 24, 2019
1 min read

NAHUKAY ng mga awtoridad ang bangkay ng babae sa bakanteng lote sa isang subdivision sa Bgy. Kasambagan, Cebu, noong Biyernes.

Kinilala ang bangkay na si Josephine Ortega, 39, residente ng Bgy. Pahina, San Nicolas.

Sa inisyal na imbestigasyon, may naamoy na masangsang ang security guard ng subdivision mula sa bunkhouse ng maintenance utility kaya ipinagbigay-alam niya ito sa pulisya.

Agad nagsagawa ng paghuhukay sa naturang lugar ang mga awtoridad kung saan natagpuan ang pulang kumot na ginamit na pambalot sa katawan ng biktima na ilang araw nang nakabaon.

Gayunman, itinuturong salarin si Crisanto Martinez, maintenance utility worker ng nasabing subdivision na live-in partner ng biktima.

Iginiit ni Martinez na nagpakamatay ang kanyang kinakasama dahil palagi umano silang nagtatalo.

Dahilan pa ng suspek, labis umano siyang natakot na magsumbong sa pulisya kaya nagdesisyon itong ibaon na lamang ang bangkay ni Ortega.

Hinihinala ng mga awtoridad na buhay pa ang biktima nang ilibing ito ni Martinez.

Sa interogasyon, lumabas na nasa impluwensiya ng iligal na droga ang suspek nang gawin ang krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page