Mayor, arestado sa iba’t ibang armas

DINAKIP ng mga awtoridad ang kasalukuyang alkalde sa bayan ng Tubajon sa Dinagat Island na si Romeo Constantino Vargas makaraang mahulihan sa kanyang bahay ng iba’t ibang armas kahapon ng madaling-araw.
Armado ng search warrant na ipinalabas ni Judge Shineta Tare Palacio ng 10th Judicial Region Branch 32, magkasamang sinalakay ng CIDG-Surigao del Norte Field Unit, CIDG-Agusan del Norte Field Unit, Surigao del Norte PNP Maritime Group, PNP-Special Action Force, Provincial Intelligence Branch, Police Provincial Office at Tubajon Municipal Police Station ang bahay ni Vargas sa nasabing lugar pasado ala-1 ng madaling-araw.
Nakuha sa ikinasang operasyon ang M16 rifle na may sniper scope, caliber .22 magnum, air gun convertible at iba’t ibang bala.
Ani Chief Supt. Gilberto DC Cruz, nahaharap si Vargas sa paglabag nito sa RA No. 10591 o comprehensive law on firearms and ammunitions. Maliban sa alkalde, kasamang inaresto ang ilan sa mga tauhan nito na nagbabantay sa kanyang bahay.





Comments