top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Lalo na kung medyo matatagalan kayo sa pupuntahan ninyo, lodi! TIPS PARA SA MAAYOS NA PAG-IIMPAKE, A

Jersey Sanchez
Mar 24, 2019
2 min read

No Problem

USUNG-USO ang mga weekend getaway ngayong summer, kaya naman may mga beshy tayo riyan na nagbabalak nang gumala ngayong week­end. Uy, excited! Oh, teka, alam naming excited na kayo, pero, narito ang ilang tips sa pag-iimpake para sa inyong weekend getaway:

1. CHECK THE WEATHER. Bago tuluyang mag-impake, mga besh, make sure na natsek ninyo ang klima sa lugar na pu­puntahan ninyo. Sa ganitong paraan, siguradong mawawala ang “what if’s” ninyo tulad ng “what if umulan?”, “what if mainit” o kung anu-ano pa. Dahil dito, siguradong malalaman ninyo ang mga bagay na dapat at hindi ninyo dapat dalhin.

2. KEEP CALM AND CARRY-ON. Kalma lang sa pag-iimpake, besh! Ilang araw ka lang magbabakasyon, hindi buong buwan. Ha-ha-ha! Sa step na ito, kailangan mong pag-isipang mabuti ang mga bagay na dadalhin mo upang maiwasan ang pag-o-overpack. ‘Ika nga nila, travel light para less hassle!

3. USE PACKING ORGANIZERS. Yes, besh! Maraming nabibili nito sa mga online shop at department store. Sa ganitong paraan, hindi ka mamumroblema kung saan mo dapat ilagay ang iyong damit, toiletries at electronics. Inirereko­menda rin natin ang pagdadala ng extra ecobag o dust bag para sa mga maruruming damit.

4. STICK TO THE BASICS. Dahil ma­bi­lisang bakasyon lang ito, lodi, make sure na ang mga dadalhin mo ay ang mga bagay na siguradong kakailanganin mo. Huwag ka nang magdala ng make-up kung dehins naman ito kailangan. ‘Ika nga nila, gandang natu­ral lang, sapat na. Ganern!

5. DITCH UN­NECESARRY GADGETS. For sure, hindi mo ka­kailanganin ang iyong lap­top, extra phone o camera. Ang hindi pagda­dala ng mga gadget na hindi mo gagamitin ay nakatutu­long para hindi maging mabigat ang iyong bagahe. Make sure lang na dala mo ang iyong cellphone, charger at powerbank. Copy?

Easy lang, ‘di ba? Kaya mga bro at sis, bago kayo tuluyang mag-impake, make sure na nabasa ninyo ang tips na ito, ha? Have a happy and mea­ning­ful getaway, mga beshy! Gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page