Ahensiya na iresponsable sa pakalat-kalat na mga plastic barrier sa kalsada, lagot!
- Ryan B. Sison
- Mar 24, 2019
- 1 min read

HULI sa dash cam ang pagkakasemplang ng motorista matapos niyang madaanan ang mga nakatambak na plastic barriers sa White Plains Avenue kung saan timing na nalaglag ang isa sa mga ito pagdaan niya ay huli na niyang naiwasan kaya siya ay biglang sumemplang.
Ayon sa sources, may dala umanong computer, printer at ink ang rider na tiyak na babayaran niya kung sakaling magkakaroon ito ng damage.
Kaya naman palaisipan ngayon, kung sino ang responsable sa pagtatabi ng mga plastic barrier na nakatambak sa kalsada?
Kung gagamitin naman ito, bakit hindi nilagyan ng tubig nang sa gayun ay hindi makaabala at matangay ng mga motorista?
Ang mahirap kasi ngayon, kapag nagreklamo tayo sa kakulangan ng ahensiya, tiyak na aabutin pa ito ng napakatagal at ‘yung iba pa ay magtuturuan, pero kapag may violation ang motorista, mabilis nilang naaaksiyunan.
‘Yun lang!
Gayunman, lumabas na sana ang mga taong dapat managot sa pagkakadisgrasya ng kaawa-awang rider na imbes kumita ng pera ay magbabayad pa dahil lang sa aksidente na hindi naman siya ang may kakulangan at kasalanan.
Kaya ang panawagan natin sa mga kinauukulan, gawin ninyo nang maayos ang inyong trabaho nang sa gayun ay hindi kayo nakapeperhuwisyo!
Kawawa naman ang mga pangkaraniwang Pilipino na kumakayod sa pagtatrabaho tapos magiging biktima lang ng mga iresponsableng empleyado na mas malaki pa ang kinikita sa ating bansa.
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.





Comments