top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

500 pulis naisahan | P2 BILYONG PALUWAGAN, TINANGAY

Jeff Tumbado
Mar 24, 2019
2 min read

NASA mahigit 500 pulis na naka­destino sa General Santos City Police Office (GSCPO) ang umano’y na­biktima ng bilyong pisong scam na pinatatakbo mismo sa kanilang organisasyon.

Ang naturang scam ay ibinunyag mismo ni Police Regional Office 12 (PRO12) Director Chief Supt. Eliseo Rasco kung saan umaabot umano sa P1.99 bilyon halaga ng investment ang hindi na naibalik sa mga in­vestor na pawang mga pulis sa re­hiyon.

Ani Rasco, mismong sa loob ng Camp Fermin Lira sa General Santos City nag­simula ang investment scam na tinatawag na Paluwagan Movement kung saan ki­nukumbinsi umano ang mga mamumuhunang pulis na magkaroon ng 60% tubo sa loob lamang ng 15 araw ha­bang 100% interest naman ang makukubra kada bu­­wan.

Iginiit ng opisyal na hindi siya nagkulang sa pag­papayo at pagpapaalala sa mga kapwa niya pulis laban sa scam.

Hindi umano nila inaka­lang mabibiktima sila ng na­banggit na scam dahil sila nga ay pulis.

Samantala, isang Shiela Agustin na itinuturong re­cruiter ang lumitaw para mag­hain ng reklamo at para magpaliwanag din sa kon­trobersiya.

Mariing iginiit nito na hindi siya ang nasa likod nito kundi matagal na umanong may alam si General Santos City Police Office Director Senior Supt. Raul Supiter sa Plans Pro Matrix (PPM) na kalaunan ay pinalitan ang pa­ngalan bilang Police Palu­wagan Movement.

Ayon kay Agustin, may hawak umano siyang mga dokumento na magpapa­tunay na si Supiter ay dawit sa investment scam na halos lahat ng pulis sa GSCPO ma­ging sa PRO12 ay nabiktima nito.

Ani Agustin, hindi niya binubura ang record ng call logs sa kanyang cellphone ang mga tawag ni Supiter upang mag-update ito ka­ugnay sa malaking halaga ng pera na nakukuha sa scam.

Nabisto lamang ang scam sa PPM nang malamang may nawawala nang mala­king halaga ng pera kaya hi­nihinala nito na nagkanya-kanyang kuha ng pera ang mga nasasangkot dito.

Mariin namang pina­bulaanan ni Supiter na sang­kot siya sa investment scam.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page