top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Tulak nakipagbarilan sa pulis, utas

Levi Gonzales
Mar 23, 2019
1 min read

DEAD-ON-ARRIVAL sa pagamutan ang umano'y tulak ng droga matapos makipagbarilan sa pulisya sa Purok 3, PNR Site, Bgy. Parian, Calamba City, Laguna.

Base sa ulat, dakong alas-11:40 ng umaga nang salakayin ng pulisya ang tahanan ng suspek na si Ronnie Caagbay, dahil sa inihaing kaso na may kaugnayan sa iligal na droga.

Papasok pa lamang ang mga ito nang agad bumunot ng baril at nagpaputok ang suspek.

Doon na nagkaroon ng palitan ng putok ang dalawang panig hanggang sa tuluyang mapatay si Caagbay.

Nadala pa ito sa pagamutan ngunit, binawian din ng buhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page