Patay na beybi, natagpuan sa dumpsite

ISANG bagong silang na sanggol ang natagpuan sa dumpsite sa Bgy. Bayo, Bayan ng Iguig, Cagayan, Huwebes ng umaga.
Batay sa ulat mula sa Iguig Municipal Police, nadiskubre ng isang ginang ang labi ng sanggol na nakasilid sa plastic bag at nakahalo sa basurahan.
Bago umano ang pagkakatagpo sa bangkay ng sanggol, dalawang dump truck mula sa Bgy. Centro at Caggay sa Tuguegarao City ang nagtapon ng basura sa dumpsite kung saan natagpuan ang bangkay.
Sa tulong ng barangay officers, binasbasan ng pari ang sanggol saka inilibing nang maayos.
Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng ina ng naturang sanggol upang mapanagot ito sa krimen.





Comments