top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

PASIG ARNISADOR, HUMAKOT NG MEDALYA SA BATANG PINOY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 23, 2019
  • 1 min read

ILAGAN CITY – Nag­pakitang-gilas ang Pasig City Team arnis fighters ma­tapos humakot ng medalya sa Luzon Leg ng Philippine Sports Commission-Batang Pinoy na ginanap sa Brgy. Baculod Covered Court.

Hinataw ni Irish Rueco ang gold medal sa junior girls, Traditional Individual-Double Weapon habang silver ang nasilo ni Angela Callanta.

Napunta kay Shaina Ruvie Maclang ng Valen­zuela City ang bronze me­dal. Kuminang din si Jharie Matthew Magsangcay ng Pasig City nang hablutin ang gintong medalya sa Junior Boys, Traditional Indivi­dual-Single Weapon, nako­po nina Dante Alexes Padilla ng Makati City at Edward Ambrosio ng Lucena City ang silver at bronze medals ayon sa pagkakasunod.

Ang ibang Pasig City arnisador na sumungkit ng medalya ay sina Jaysen Ta­upa, Vincent Paul Sajor at John Keybird Sutelleza, silver sa Junior Boys, Tradi­tional Team-Open Weapon habang sinikwat ni Callanta ang bronze medal sa Indi­vidual-Single Weapon.

Samantala, patuloy ang pamamayagpag ng Baguio City sa medal standings, may nalikom na silang 20 gold, 20 silver, 40 bronze para sa kabuuang 82 medals kahapon ng umaga at ina­asa­hang magtutuloy ang ka­nilang pagharurot sa huling dalawang araw ng kompe­tisyon.

Nasa pangalawang pu­westo ang Quezon City na may 16-11-8 gold, silver, bronze medals sa event na inorganisa ng PSC.

Tersero ang Laguna Pro­vince, (15-21-17), naka­ha­bol ang Pasig City, naka­li­kom sila ng 15 gold, 17 sil­ver at 14 bronze medals. May 11 gold medals na ang nakukulimbat ng Taguig City, Pangasinan Province at Makati City. (ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page