Pacquiao vs. Mayweather, Jr. tuloy na, weh?

MAY 96 percent na raw ang tubig ng Manila Water.
Guilty sila sa pananakot ng subscribers!
◘◘◘
IDINEKLARA na ang pagsisimula ng tag-init.
Pwes, asahan ang biglang pag-ulan!
◘◘◘
MAGTATAYO na ng siyudad ang China sa Spratlys Island.
Kung gayun, puwede nang mag-abroad ang mga OFW sa loob ng teritoryo ng Pilipinas!
◘◘◘
MATUTULOY na raw ang laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr.
Weh, 'di nga?
◘◘◘
TATAAS na naman ang presyo ng petrolyo.
Buwisit!
◘◘◘
HINAHARANG ng Facebook ang fake news.
Kailan pa sila naging “editor” at “hukom”?
◘◘◘
ILIGAL ang ginagawa ng Facebook sa pagdiskaril ng mga impormasyon.
Kumbaga, guilty sila sa “illegal checkpoint”!
◘◘◘
ANG cyber space ay hindi nalalayo sa “atmosphere” — walang international soldiers na puwedeng humarang sa biyahe sa “atmosphere of information”.
Dapat kastiguhin ng mga bansa ang harassment at pang-aabuso ng Facebook!




