top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mister nakaaway | MISIS LUMAKLAK NG SILVER CLEANER, DEDBOL

Maeng Santos
Mar 23, 2019
1 min read

DEDO ang 23-anyos na babae matapos tumungga ng silver cleaner makaraang makaaway ang kanyang live-in partner sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon Police Chief Senior Supt. Jessie Tamayao ang biktima na si Hazel Grace Abarquez, ng Bgy. San Agustin.

Ayon sa pinsan ng biktima na si Ken, alas-2:00 ng hapon nang manghiram sa kanya ang biktima ng silver nitrate subalit, nang tumanggi ito, sinabi ni Abarquez na, “Ayaw mo, eh, di bibili na lang ako,” sabay alis.

Alas-5:20 ng hapon, nagtungo si Ken sa roof deck ng kanilang bahay upang kumuha ng mga damit at nang buksan nito ang pinto ay bumulaga sa kanya ang bangkay ng pinsan kaya agad nitong ipinaalam sa kanilang pamilya.

Sa imbestigasyon nina SPO1 Jherico Pascual at PO2 Joenel Claro, unang nakaaway ng biktima ang kanyang live-in partner batay sa kanilang palitan ng mensahe na nakuha sa cellphone.

Dagdag pa ng pinsan ng nasawi na si Shiela Mae, nabanggit sa kanya ng biktima na gusto nitong magpakamatay dahil sa mga dinadalang suliranin sa buhay.

Samantala, lumagda naman sa isang waiver ang legal guardian ni Abarquez na si Virgilio Alamo na hindi sila interesadong paimbestigahan ang pagpapatiwakal ng pamangkin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page