MANILA MARATHON SA HUNYO BEST CENTER SA KYUSI AT MLA

TATAPATAN ang anim na tinaguriang “Marathon Majors” sa darating na Manila Marathon 2019 sa Hunyo 23, bisperas ng Araw ng Maynila sa Mall of Asia.
Ayon sa tagapangasiwa ng karera na Proactive Sports, kung kaya ng Tokyo, London, Boston, Berlin, Chicago at New York ay kaya ring itaas ang bandila ng Pilipinas sa pagkakaroon ng karerang maaring ipagmalaki sa buong mundo.
Hindi na kailangang maglakbay ng malayo upang maranasan ng mga sasali ang kalidad ng mga nabanggit na Marathon.
“Kung kaya nila ay kaya rin natin at ipakita natin ang lakas ng ating lahi,” wika ni Coach Jay Em ng Proactive.
Maliban sa Marathon na may layong 42.195 km, may mga karera rin sa 21 at 10km.
Ang mga sasali sa marathon ay bibigyan ng anim na oras upang matapos ang distansiya habang nakalaan ang tatlo at kalahati sa 21 at dalawang oras sa 10.
Maaari nang bumili ng prepaid cards sa mga sangay ng RUNNR hanggang Hunyo 22. May dalawang uri ng kit na puwedeng makuha, ang Basic at ang Premium.
Lahat ng magtatapos ay gagawaran ng medalya. Bibigyan din ng t-shirt ang mga magtatapos ng Marathon sa 21 kilometro.
Samantala, ang venues sa Q.C. at sa Manila ay mag ho-host ng Best Center basketball at volleyball clinics sa Abril. Ang St. Patrick School sa Bahay Toro, Project 8 sa Q.C. ay mag ho-host ng award-winning group’s basketball at volleyball clinics mula Abril 6-Mayo 1, ayon kay Nic Jorge, founder ng Basketball Efficiency and Scientific Training Center magiging venue rin ang Malate Catholic School sa Manila para sa basketball clinics.





Comments