Kung kailangan munang kumuha ng Continuing Professional Development (CPD) units sa pag-renew ng lis

Dear Chief Acosta,
Ako ay lisensiyadong guro na nagtatrabaho sa ibang bansa. Kinakailangan kong ipa-renew ang aking lisensiya at sinabihan ako na kailangan munang kumuha ng Continuing Professional Development (CPD) Units. Tama ba ito? —EJ
Dear EJ,
Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Implementing Rules and Regulations (IRR) na may petsang ika-7 ng Pebrero 2019 ng Republic Act No. 10912 o mas kilala bilang “CPD Act of 2016” na:
“Section 3. Sections 10.1, 10.2, 10.3 and 10.4 are hereby deleted and shall be amended as follows:
Section 10. CPD as Mandatory Requirement in the Renewal of Professional License and Accreditation System for the Practice of Professions.- The CPD is hereby made as mandatory requirement in the renewal of the Professional Identification Cards (PICS) of all registered and licensed professionals under the regulation of the Commission.
Xxx
Section 10.2 During this transition period, the following shall be observed:
a. Professionals working overseas shall not be covered by the CPD requirement.
Xxx
Ayon sa nabanggit na mga probisyon ng batas, hindi muna kinakailangang kumuha ng Continuing Professional Development (CPD) Units ang mga propesyunal na kasalukuyang nagtatrabaho sa ibang bansa upang makapagpa-renew ng kanilang mga lisensiya.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.





Comments