Honesty, hindi rin isyu kay P-Digong, “like father, like daughter”

OFW BANK, KAY P-DUTERTE; OFW HOSPITAL, KAY “BONG” REVILLA — Sakaling makabalik sa Senado, ayon kay ex-Sen. Ramon “Bong” Revill, Jr. ay prayoridad niyang magkaroon ng OFW Hospital para sa mga OFW at sa kanilang pamilya.
Aba, ayos ‘yan kasi may itinatag na si P-Duterte na OFW Bank tapos magkakaroon pa ng OFW Hospital.
Sa totoo lang, panahon na upang bigyang-pansin ang kapakanan ng mga OFW kasi sila ang tinaguriang mga bayani ng bagong henerasyon na isinakripisyo ang mga sarili para magtrabaho sa ibang bansa upang maiahon sa kahirapan ang kanilang pamilya at makatulong sa pagpapalago ng ekonomiya kasi ang malaking remittance na ipinadadala nila para sa kanilang mga mahal sa buhay ay isa sa nagpapakatatag sa piso kontra dolyar, period!
◘◘◘
HINDI LANG ANG MGA TAGA-MWSS ANG DAPAT SIBAKIN KUNDI PATI ANG MGA TAGA-LWUA — Hindi lang ilang bahagi ng Metro Manila ang nakararanas ng kakapusan sa supply ng tubig kundi pati ang mga lalawigan ng Ilocos Norte, Zamboanga Sibugay at mga Lungsod ng Tuguegarao at Kidapawan.
Kung ganu’n, hindi lang pala mga opisyal ng MWSS ang dapat sibakin ni P-Duterte sa puwesto kundi pati mga opisyal ng Local Water Utilities Administration (LWUA) na may kontrol sa pagsu-supply ng tubig sa mga lalawigan, boom!
◘◘◘
HINDI HONEST NA KANDIDATO, APRUB KAY P-DUTERTE — Tila suportado ni P-Duterte ang statement ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na hindi importanteng maging honest sa publiko ang mga kandidato ngayong panahon ng eleksiyon.
‘Yan ang tinatawag na “like father, like daughter”.
Dahil d’yan, tiyak naglulundagan sa tuwa ang mga manloloko at bolerong pulitiko, buwisit!
◘◘◘
MGA APPOINTEE NI P-DUTERTE SA BUREAU OF CUSTOMS, NAPUPUSLITAN NG TONE-TONELADANG SHABU — Napamura si Sen. Panfilo “Ping” Lacson nang mabalita na mahigit isang toneladang shabu worth P1 billion ang naipuslit na naman sa Bureau of Customs.
Hay naku, kailan kaya magtatalaga si P-Duterte ng head sa BOC na hindi mapupuslitan ng tone-toneladang shabu kasi noong panahon ni Nicanor Faeldon ay napuslitan ito ng P6.4 billion worth ng shabu, noong panahon ni Isidro Lapeña, napuslitan din ito ng P11 billion worth ng shabu at ngayong panahon naman ni Rey Leonardo “Jagger” Guerrero, napuslitan ito ng P1 billion worth ng shabu, pwe!





Comments