top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Habang nagdiriwang ng Kurdish New Year at Mother’s Day | BANGKA TUMAOB, 94 DEDBOL

Jersy Sanchez
Mar 23, 2019
1 min read

NANINIWALA ang mga awtoridad na posibleng tumaas pa ang bilang ng mga nasawi nang tumaob ang bangka habang ipinagdiriwang ang Kurdish New Year at Mother’s Day sa Tigris River sa Mosul City, Iraq.

Batay sa impormasyon, ihahatid ng bangka ang mga biktima sa kabilang isla na may sakay na mga bata at kababaihan.

Kinumpirma ni Interior Ministry Official Major-General Saad Maan na 94 katao ang nasawi sa insidente habang 55 katao kabilang ang 19 na bata ang na-rescue.

Samantala, iniutos ni Iraqi Prime Minister Adel Abdul-Mahdi na magsagawa ng imbestigasyon sa sanhi ng pagtaob ng bangka, gayundin upang matukoy ang responsable rito.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page