Dahil libre raw… JOEY, MAS PINILI ANG BAKASYON KESA PUMUNTA SA KASAL NG ANAK
- BULGAR

- Mar 23, 2019
- 1 min read

KINASAL nito lang nakaraang Sabado (March 16) ang anak nina Joey de Leon at Eileen Macapagal na si Jako De Leon sa long-time girlfriend nitong si Gillian Salita.
Pero hindi nakadalo ang parents ni Jako sa important day in his life ‘coz nasa bakasyon grande in Jerusalem sina Joey at Eileen kasama ang EB! Dabarkads.
Ewan kung ano’ng naging pakiramdam ni Jako na wala sa important day ng kanyang buhay ang kanyang parents.
Pero siguro naman ay maiintindihan niya ‘yun ‘coz sabi nga, minsan lang sa buhay ng tao na maimbitahan ka sa Holy Land Jerusalem kung saan ipinanganak ang ating Poong Maykapal na si Lord God Jesus Christ for free.
Eh, siyempre nga naman, sa parte nina Joey at Eileen, everything going to Jerusalem was free courtesy of their APT boss, Antonio Tuviera. So, grab the opportunity ‘coz there’s a saying na… opportunity like that knocks only once, ganern!
At siguro naman, pagdating dito nina Joey at Eileen ay babawi sila kay Jako ‘coz walang magulang na natitiis ang anak, pak, ‘yun na!





Comments