top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Chinese Pres. Xi Jinping tinuluyan sa ICC | AWAY SA SOUTH CHINA SEA, PUWEDENG HUMANTONG SA GIYERA

Gina Pleñago / Mylene Alfonso
Mar 23, 2019
1 min read

SA kabila ng paghain ng reklamo ng mga dating opisyal ng pamahalaan sa International Criminal Court (ICC) laban kay Chinese President Xi Jinping dahil sa mga pinagtatalunang isla sa South China Sea, sinabi ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na kinikilala niya ang karapatan ng Pilipinas ngunit, mas pabor siya sa negosasyon sapagkat walang kakayahan ang bansa upang makipagdigmaan sa Tsina o i-exploit ang nasabing lugar.

Sa kasalukuyan, naniniwala si Enrile na maaaring humantong ang pakikipagtalo ng Pilipinas at sa Tsina sa giyera o sa pakikipag-usap.

Gayunman, binigyang-diin ni Enrile na kinikilala pa rin ng Tsina ang pribilehiyo ng Pilipinas sa nasabing lugar.

Samantala, iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi makaaapekto sa relasyon ng Pilipinas at China ang pagsasampa ng kaso kay Xi Jinping sa ICC.

Una rito, nagsampa sina dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales ng “communication” sa ICC kung saan inaakusahan si Xi at iba pang Chinese officials dahil sa “atrociously inhumane actions in the South China Sea and within Philippine territory.”

Ani Duterte, karapatan nila na magsampa ng kaso ngunit, nanindigan ang pangulo na walang hurisdiksiyon ang ICC sa Pilipinas lalo na sa China.

Binigyang-diin ng Punong Ehekutibo na hindi miyembro ng ICC ang China.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page