top of page
Pokwang.jpg

Babala sa mga malalakas maghilik!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 23, 2019
3 min read

Dear Doc. Shane,

Nasa lahi namin ang pagiging obese kaya sa aking edad ay napansin kong luma­laki at tumataas ang aking timbang. Mala­kas akong manigaril­yo at napapansin din ng asawa ko na kapag natutulog ako ay ma­lakas daw akong mag­hilik, gayundin, ma­da­las daw ay parang humihinto ako sa aking paghinga kaya natatakot siya para sa akin. Mayroong naka­pagsabi sa akin na ang nararanasan ko raw ay sleep apnea. Totoo kaya ito, maaari bang pakitalakay ninyo ang tungkol dito at ano ang lunas para rito? — Eugene

Sagot

Ang sleep apnea ay kondisyon sa pagtulog na maaaring maging malubha dahil ang paghinga ay paulit-ulit na tumitigil. Ang kara­niwang sintomas ng sleep apnea ay ang malakas na paghilik. Ang pag-udlot sa paghi­nga ay karaniwang nagtatagal ng sampung segundo o higit pa. Kadalasan ay nagigising ang taong may sleep apnea dahil sa kahirapan sa paghinga.

  • Obstructive sleep apnea (OSA)— ito ay nararanasan kapag ang mga kalamnan sa likod ng lalamunan ay masya­dong nagre-relax hang­gang sa ito ay nagtatakip na ng daanan ng hangin.

  • Central sleep apnea (CSA) — ito ay dulot ng iregularidad sa utak na may kaugnayan sa pagbibigay nito ng senyales sa paghinga.

  • Complex apnea — ito ay ang kombi­nasyon ng obstructive sleep apnea at central sleep apnea.

Anumang uri ng apnea, mahalagang maki­pag-ugnayan sa doktor para maiwasan ang kumplikasyon ng sleep apnea tulad ng sakit sa puso.

Ang mga karani­wang sintomas ng obstructive at central sleep apnea ay ang mga sumusunod:

  • Labis na pagka­antok tuwing tag-araw (hypersomnia) na maa­aring makadulot ng big­laang pagtulog habang nagtatrabaho

  • Labis na lakas ng paghilik

  • Kapansin-pansing paghinto sa paghinga habang natutulog

  • Biglaang paggising sa gabi dahil sa kahira­pang huminga

  • Sore throat sa pag­gising

  • Tuyong bibig sa paggising

  • Sakit ng ulo sa pag­gising

  • Kahirapan sa pag­tulog (insomnia)

Hindi puwedeng ipagsawalambahala ang sleep apnea. Ito ay puwedeng magdulot ng mga sumusunod:

  1. Problema sa pu­so.

  2. Labis na pagka­pagod sa tag-araw.

  3. Kumplikasyon sa medikasyon at operas­yon

Ang ilan pang kum­plikasyon na sleep apnea ay ang kahirapan sa pag-alala, sakit ng ulo, depression at gastro esophageal.

Narito ang mga lunas nito:

  • Obstructive sleep apnea

  • Continuous positive airway pressure (CPAP) — isang makinang tuluy-tuloy na nagbibigay ng hangin sa pasyente sa pamama­gitan ng kanyang pagsuot ng oxygen mask habang natutulog.

  • Adjustable airway pressure devices — ito ay nagbibigay ng tuluy-tuloy na air pressure sa pasyente habang siya ay natutulog.

  • Pagsuot ng oral appliances — ito ay gina­gamit para napana­natiling bukas ang lala­munan habang natutul­og ang may sleep apnea.

  • Uvulopalatophar­yng­oplasty (UPPP) — ito ay operasyon kung saan tinatanggal ng doktor ang tisyu sa li­kod ng bibig at sa ibabaw ng lalamunan. Tinatang­gal din ng doktor ang ton­sils at adenoids ng pasyente.

  • Tracheostomy — ito ang operasyong isa­sa­gawa ng doktor kapag malubha na ang kaso ng sleep apnea. Nilalagyan ng maninistis ang leeg ng pasyente nang isang bukasan kung saan ipinapasok niya ang tubong gawa sa metal o plastic kung saan dito hihinga ang pasyente. Tuwing araw, nakatakip ang tubong ito at sa gabi, tinatanggal ng pasyente ang takip para pumasok ang hangin sa baga.

Central sleep apnea

  • Paggamot sa mga sakit na sanhi ng apnea — kapag problema sa puso ang sanhi ng apnea, ang paggamot ng sakit na iyon ay maa­aring makatanggal ng sleep apnea.

  • Continuous positive airway pressure (CPAP) at adjustable airway devices — tu­lad ng obstructive sleep apnea, maaaring maka­tu­long ang makinang ito sa pagtanggal ng malakas na paghilik at pagpigil ng sleep apnea.

Bukod sa operasyon at paggamit ng mga makina, maaaring ma­ba­wasan at tuluyang matanggal ang sleep apnea sa pama­magitan ng pag-iwas sa paninigarilyo at pag-inom ng alak at pagpapanatili ng tamang timbang.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page