Welder na kawatan timbog
Pabs Hernandez III
Mar 22, 2019
1 min read
ALBAY—Isang welder na nagnakaw ng apat na biik ang dinakip ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Gumabao, Oas sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Salvador Poyos, residente ng Bgy. San Isidro sa nasabing bayan.
Ayon sa biktimang si Danilo Luis, aabot sa P20, 000 ang halaga ng apat na biik na ninakaw ng suspek.
Hindi naman nanlaban si Poyos nang dakpin ito ng mga awtoridad na ngayon ay nakapiit na at nahaharap sa kasong qualified theft.





Comments