top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Shoutout sa mga nagwo-worry diyan... 5 PARAAN PARA HINDI MAGING BIKTIMA NG SUNOG NGAYONG TAG-INIT

  • Donna Thea Topacio
  • Mar 22, 2019
  • 1 min read

DAHIL sa painit na nang painit ang pana­hon, hindi na mai­wasan ang su­nud-sunod na pag­kaka­roon ng sunog. Na­katatakot dahil wala itong pinipiling bi­biktimahin, pero may magagawa tayo para maagapan ito sa pamamagitan ng mga tip na ito:

1. INSTALL SMOKE ALARM. Kung may kaya naman kayo sa buhay, mga beshy, why not na maglagay kayo ng smoke alarm sa in­yong bahay, ma­katutulong ito nang sa gayun ay maka­lig­tas kayo sa panga­nib na dulot ng sunog.

Dag­dag pa rito, buwan-buwan ay itsek ninyo ito kung gu­magana pa.

Gets mo?

2. HAVE A FIRE ES­CAPE PLAN. Marami sa atin ang hindi nakapagha­handa kaya kapag may mga aksidente, eh, hindi nakali­ligtas dahil kulang sa kaala­man, kaya naman mainam na ngayon pa lang ay napag-uusapan na ninyo kung ano ang mga bagay na dapat ninyong gawin kapag may sunog.

3. PUT FIRE EXTIN­GUISHER. Kahit isa lang, beshy, dahil malaki ang ma­itutulong nito, lalo na kung kasisimula pa lang ng apoy.

Basta huwag kayong mag­pa-panic at alamin din ninyo kung paano ito gina­gamit. ‘Ika nga, be educa­ted! He-he-he!

4. CHECK WIRES. Bukod sa kandila, ito rin ang isa sa mga pinagmumulan ng sunog, kaya mas mainam kung itsetsek ninyo ang in­yong mga kable, extension at saksakan,

Kaya sa mga beshy natin diyan na mahilig gumamit ng cellphone kahit naka-charge, itigil na ninyo ‘yan!

5. CHECK LPG. Pag­katapos magluto, make sure na natitingnan ang gas stove at LPG kung nakapatay ito nang sa gayun ay maiwasan ang pagkakaroon ng sunog.

Kaya mga beshy, nga­yong fire prevention month, makiisa tayo at huwag nang matigas ang ulo.

Keep safe, mga ka-BULGAR!

Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page