top of page
Pokwang.jpg

Sa pagsakop sa West PH Sea | CHINESE PRESIDENT, KINASUHAN NG TROPANG P-NOY SA ICC

Mylene Alfonso
Mar 22, 2019
1 min read

KINASUHAN ng mga dating opisyal ng Aquino administration si Chinese President Xi Jinping sa International Criminal Court (ICC).

Sa reklamong inihain nina dating Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales, kanilang sinabi na katumbas ng crimes against humanity ang ginawang pagsakop ng China sa teritoryong sakop ng bansa.

Ayon kina Del Rosario at Morales, isinampa nila ang kaso sa ngalan ng libu-libong Pinoy fishermen na inagawan ng China ng karapatan para mangisda sa West Philippine Sea. Gusto ng mga complainant na agad aksiyunan ni Fatou Bensaouda, chief prosecutor ng ICC ang kanilang inihaing reklamo.

Anila, tanging ang ICC lamang ang makapagbibigay ng hustisya sa mga Pilipino sa nasabing isyu dahil sa hindi pag-aksiyon ng pamahalaan. Isinampa ang nasabing reklamo noong March 15 o dalawang araw makaraang kumalas ang bansa sa ICC bilang kasapi nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page