Pekeng 'water crisis' buking, MWSS, lunurin sa isang basong tubig!

MATATAPOS na ang Marso.
Nagpapa-panic na ang ilang kandidato!
◘◘◘
PAPALITAN ang pangalan ng Pilipinas.
Gusto ko ‘yan!
◘◘◘
INIIMBESTIGAHAN na ng FBI ang dispalinghadong pagbibigay ng clearance sa Boeing 737 MAX.
Kumbaga, korupsiyon din ang ugat ng malagim na pagbagsak ng eroplano!
◘◘◘
PATULOY ang karumal-dumal na krimen dahil sa mga adik at tulak.
Dapat nang matapos ang salot na ito!
◘◘◘
ISASALOKAL na ang peace talks sa mga NPA.
Malaking tama!
◘◘◘
BISTADO ang Manila Water sa pekeng krisis sa tubig.
Dapat silang lunurin sa isang basong tubig!
◘◘◘
SA Africa lang puwedeng magkaroon ng water crisis.
Imposible ang “water crisis” sa Republika na may 7, 107 isla dahil napaliligiran ito ng malalawak na karagatan!
◘◘◘
KORUPSIYON ang tunay na ugat ng krisis.
Korupsiyon sa salapi at sa matinong pag-iisip!
◘◘◘
INAKALA ng water concessionaires na makalulusot ang kanilang raket sa tulong ng mga mambabatas na inambagan nila ng campaign fund.
Ilang kandidato kaya ang tumanggap ng donasyon sa Ayala Group?
◘◘◘
NAPAKAHIRAP ang buhay ngayon.
Nag-iipon ng badyet ang mga magulang para sa graduation ceremonies ng kanilang mga anak!
◘◘◘
GIGINHAWA na ang buhay ng ilang grupo tuwing magtatapos ang klase.
Marami kasing magulang ang magsisipsip para may mai-post sa Facebook na “with honors” ang kanilang mga anak!





Comments