top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mismong padir na si Joey, wala raw nagawa… KEEMPEE, AMINADONG NA-DEPRESSED NANG TSUGIHIN SA EAT BULA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 22, 2019
  • 2 min read

HIGIT pa sa ngiti ng langit ang nararanasan ni Keempee de Leon sa pagbabalik niyang muli sa ABS-CBN via their newest teleserye, ang Nang Ngumiti ang Langit mula sa unit ni Direk Ruel S. Bayani.

After three years, na-feel ulit ni Keempee ang worth niya bilang artista.

“Yes, naramdaman ko na ngumiti ang langit sa akin. Hindi lang ngiti, eh, kasi kung nu’ng una, medyo madilim ang langit, ngayon, lumiwa­nag na. Bago matapos ‘yung taon, eto nga, pumasok ang Nang Ngu­miti ang Langit sa akin,” bungad ni Keempee nu’ng maka­usap namin sa grand press­­con ng ba­gong morning serye ng Kapamilya Network.

Ibinulgar ni Keempee na na-depressed siya nu’ng ma­wa­lan siya trabaho sa showbiz three years ago. Eto ‘yung pana­hon na bigla siyang nawala sa Eat…Bulaga!.

Nagtaka rin ako kung bakit. Naging honest naman ako sa lahat. Simula nu’ng mawala ako sa Eat… Bulaga!, parang ano na, eh. Tinanong ko rin si Tita Malou (Choa-Fagar, executive ng Eat… Bulaga! at handler ni Keempee). Sabi ko, ‘’Ta Malou, ano ba, makakabalik pa ba ako ng Bulaga! o hindi na?’ Sagot niya, ‘As per management, hindi na.’ So, ‘yun! Ang hinihintay ko, bakit? Wala naman silang na-explain.”

Hindi maisip ni Keempee kung may nagawa ba siyang mali o may nakaaway sa show. Ang nata­tandaan lang daw niya, nagpaalam siya na may gagawing soap opera sa Kapuso Network at sinabihan siyang abisuhan lang ang Bulaga kung matatapos na ‘yung soap niya at kung babalik siya.

Ginawa naman daw niya ‘yun pero hindi na siya ipinatawag uli ng show.

“Siguro, they have their own reasons. But well, kung anuman ang kasalanan ko o nagawa ko, dapat sinabi sa akin para at least, nag-sorry man lang ako, naitama ko.”

Sobrang na-depressed daw siya and he even asked his dad and main host ng Bulaga! na si Joey de Leon.

“Nabanggit ko sa kanya ‘yun. Sabi lang niya, ang na­tandaan kong sinabi niya, parang, ‘Sige, banggitin ko. Sasabihin ko kung ano na, kung bakit.’ Hanggang wala na rin akong narinig na ano. Although, alam ko naman at the back of his mind, ewan ko, may alam siya siguro or anything na hindi niya sinabi.”

Pero sana raw, sinabi sa kanya dahil gusto niyang ma­la­­man ang tunay na dahilan. Kesa ‘yung nag-iisip siya kasi kala­ban daw niya ang sarili niya.

“Ako, wala akong ginawa. Sobrang depressed ako. Tala­­­gang down na down ako. Hindi naman ako nag-drugs. Nando­on ‘yung siyempre, iinom ka sa sobrang lungkot para makali­mutan mo lang ‘yung ano, pero dumating ‘yung point, paggising mo, problema pa rin. Eto pa rin ‘yung iisipin mo kinabukasan kapag nahimas­masan ka.”

Dagdag pa niya, “So, sabi ko, hindi. Kailangang may gawin akong galaw. Kailangan kong magdesis­yon sa sarili ko. Kailangan kong i-refresh ang sarili ko ulit. Kasi wala nang ibang tutulong sa akin kundi ang sarili ko lang, eh. Kaya nag-post ako sa Facebook ko, wala lang, naisip ko lang. Sabi ko, ‘I miss working.’ Na-miss ko magtrabaho talaga.”

May nakabasa sa post niya sa Facebook at ‘yun ang naging daan para ipatawag siya ng mga executives ng network for series of meetings.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page