Kung mayroon pa ring bisa ang fire insurance sa bahay kung nais itong gawing pagawaan ng tsinelas
- BULGAR

- Mar 22, 2019
- 1 min read
Dear Chief Acosta,
Magandang araw! Mayroong fire insurance sa aming bahay at napagkasunduan namin ng asawa ko na mag-business ng pagawaan ng tsinelas sa aming bahay. Gusto kong malaman kung mayroon pa rin bang bisa ang fire insurance namin kung mangyari ang aming plano? — Darius
Dear Darius,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 170 ng Republic Act (R.A.) No. 10607 kung saan nakasaad na:
“Section 170. An alteration in the use or condition of a thing insured from that to which it is limited by the policy made without the consent of the insurer, by means within the control of the insured, and increasing the risks, entitles an insurer to rescind a contract of fire insurance.” (Binigyang diin)
Samakatwid, maaaring maipawalambisa ng inyong insurer ang inyong policy kung babaguhin ninyo ang gamit ng inyong bahay nang salungat sa nakasaad sa inyong insurance policy at gagawin ninyo ang pagbabagong ito nang walang consent mula sa inyong insurer.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.





Comments