top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Krimen lumala, utos ni Duterte | MGA PULIS, MAGDOBLE-KAYOD!

Mylene Alfonso
Mar 22, 2019
2 min read

INATASAN ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang Philippine National Police na magdoble-kayod laban sa mga kriminal.

Ito ay kasunod na rin ng kaso ng pagpatay sa dalagita na nangyari sa Cebu kung saan binalatan pa ang mukha ng biktima.

Ayon sa Chief Execu­tive, maaari lamang mag-relax ang pulisya kung masisiguro nila sa kanilang area of respon­sibility na ligtas ang kanilang pamilya na lumabas at ma­ka­paglakad sa kalye kahit dis-oras ng gabi.

“I want kayong mga chief of police you ask your wives and your daughter to walk around your area of responsibility. And if your wife or daughter comes home safe, undisturbed, un­molested, at walang nang­yari, ‘yan ang gusto ko para sa lahat ng babae sa area mo,” ani Pangulong Duterte.

Dapat umanong mag-overtime ang mga pulis upang masigurong natutu­kan ang galaw ng mga kriminal.

“Noon panahon ni P-Noy ilan ang nag-surre­nder? Isa, dalawa, tatlo? Tapos buy-bust, araw-araw may droga. Nga­yon, tingnan mo mama­ya pag-uwi mo. Early or late news, morning and evening news, droga, droga, droga, patay, patay. Bata ni-rape, binasag ‘yung…,” ani Du­terte.

“Mabuti na lang nahuli, p***** i** kayong mga… Pu­lis kayo mag-overtime kayo. P***** i**, ‘yung bata na sa Sarangani ba ‘yun? ‘Yung binasag ‘yung ulo. ‘Yung sa Cebu sa ano binalatan ‘yung…,” saad ng pangulo.

“You know, alam mo sa totoo lang maglakad ka kaya gikan Marikina papuntang Maynila, lulusot ka kayang buhay?” ani P-Duterte.

“Ako I challenge you. Maglakad ka galing Caloo­can o pupunta ka dito o pu­masok ka ng Malabon, Na­votas, buhay ka pa? Mabu­buhay ka pa kaya? ‘Yan ang Pilipinas na gusto ninyo. Kaya sinasabi ko sa mga kriminal, p***** i** ninyo umalis kayo sa daan, sa mga park, sa mga public places, kasi it belongs to the people and they have the right to use it any time na hindi sila mamolestiya, disturbed, robbed,” hamon ni Duterte.

“Ngayon, kung merong mag-istorbo sa kanila at hin­di na nila magamit ‘yung daan at magtindig lang sila maghintay ng sakyan, mo­molestiyahin, all you have to do is to kill the idiot. Period. Iwanan mo diyan. Magsum­bong sa Human Rights, sabihin mo utos ko. May ide­manda ang Human Rights, go ahead idemanda ninyo si Duterte,” dagdag pa ng pangulo.

Samantala, muling iginiit ng pangulo na matanda na siya at pagod na sa edad na 74.

“Ako matanda na. Ngayong buwan na ito mag 74 na ako. P***** i** mo kasing pagod na ako sa inyo. Naghahanap lang ako ng lusot. Ke magbarilan tayo o kaya — p***** i** ‘wag ninyo akong… Naghahanap lang ako talaga ng lusot na para makapagpahinga na. Pagod na rin ako kaya do not f*** with me,” dagdag pa ng pangulo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page