top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kahit bilyones ang kinikita sa taumbayan | Manila Water, palpak na, magulang pa!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 22, 2019
  • 2 min read

NAPAKAHIRAP talaga nang mawalan ng tubig sa bahay. Panigurado, sira ang araw mo at hindi ka talaga makapagta­trabaho ng mabuti.

Kaya maiintindihan natin ang galit ng taumbayan at maging si Pangulong Rodrigo Duterte mismo ay nagalit din na halos murahin ang dalawang kum­panya ng tubig.

Sinabi nitong kung hindi nila maaayos ang kanilang serbisyo ng tubig sa taum­bayan ay ititigil na ang kanilang lisensiya.

Isa sa mga kumpanya ng tubig ay ang Manila Water na pag-aari ng bilyunar­yong angkan ng mga Ayala na sakop ang mga siyudad sa silangan ng Kamaynilaan (Makati, Mandaluyong, ilang parte ng Maynila, Marikina, Pasig, Pateros, ilang bahagi ng Quezon City, San Juan at Taguig.)

Noon, pag-aari ang mga ito ng gobyerno na pinatatakbo ng Nawasa, eh, kaso si dating Pangulong Fidel V. Ramos, sinabing mas mabuti raw na ang mga pri­badong kumpanya na ang magpatak­bo nito.

‘Yun, ibinenta nito sa mga pinakama­yayamang pamilya at kapitalista sa ban­sa natin.

Ayon sa tagapagsalita ng pangulo na si Salvador Panelo sa pagpapaliwanag kaya nagkakaroon ng problema sa tubig sa Kamaynilaan: “Hindi nila ginawa ang traba­ho nila, ang inatupag ay kita.”

Totoo ito, ayon sa datos na mismong ang mga kumpanyang ito ang naglahad sa kanilang mga annual report.

Ang kita raw ng Manila Water ay P6.1 bilyon noong 2016; P6.4 bilyon noong 2017 at P6.5 bilyon noon 2018.

Grabe, noh? Limpak-limpak na ka­pera­han ang napupunta sa mga kamay ng mga may-ari ng kumpanya sa tubig habang ang taum­bayan, eh, hirap na hirap. Tsk!

Mukhang palaki nang palaki ang kita ng mga kumpanyang ito dahil tuwing hihirit ng taas-presyo sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), eh, binibigyan sila.

Imbes na ayusin ang kanilang ser­bisyo o kaya at magpagawa ng mga ba­gong mapag-iipunan ng tubig, eh, kita o tubo lang ang inaatupag nila.

Isang halimbawa nito, kinakailangan umanong kumuha ng tubig mula sa Laguna de Bay ang Manila Water na nililinis sa kanilang “water treatment plant” sa Cardona, Rizal.

Eh, sa paglilitis sa Senado noong Marso 18, lumabas na hindi pa pala nila natatapos ang pagtatrabaho ng plantang ito kaya kulang ang tubig na kinukuha nila mula sa Laguna de Bay.

Noong Mayo 2016 pa sinimulan ang plantang ito at natapos noong Disyembre 2018. Ito raw ang pinakamalaking da­hilan kaya nawalan ng supply ng tubig sa ma­ra­ming lugar sa Kamaynilaan.

Imbes na makakuha ng 100 milyong litro ng tubig bawat araw mula sa Laguna de Bay ay 24 milyong litro lang ang na­kukuha nila.

Ito pa ang masakit, kumokolekta na ang Manila Water ng bayad para sa pag­tatayo ng plantang ito mula pa noong Dis­yembre, eh, hindi pa naman tapos!

Buwisit talaga, noh?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page