top of page
Pokwang.jpg

Hirit ng ilang mamamayan: Mukha at pangalan ng mga kandidato, nakauumay!

Ryan B. Sison
Mar 22, 2019
1 min read

UMAY na umay na ang ilang mama­mayan sa mukha at pangalan ng mga kandidato na kanilang nakikita hindi lang sa daan kundi maging sa kanilang bahay at sa mga pampub­likong sasakyan.

Sa posts ng ilang netizens sa kanilang social media, mayroon umanong gina­wang pantakip sa bintana dahil sa init ng araw ang tarpaulin ng isang kandidato kung saan nakaiirita umano ito dahil ‘yun ang bumu­bungad sa kanila sa tu­wing gigising sila sa umaga. ‘Yun lang!

Mayroon ding sa mismong upu­an ng tricycle ay nandu’n ang hitsura ng kan­didato, kaya animo’y nauupuan ito na hindi talaga magandang tingnan. Naku!

Gayunman, hindi naman masama ang mangampanya dahil kinakailangan nila ito para iboto sila ng taumbayan, pero kung OA at nakauumay na, kaunting hiya lang ang da­pat nilang maramdaman.

Kung maaari ay huwag nang tadtarin ang mga bahay-bahay dahil bukod sa nakadarag­dag ito sa kalat ay tandang-tanda naman na natin ang kanilang mga pangalan.

Kung saan bilang botante, responsable rin tayong makilala at alamin kung sino ang da­pat nating iboto.

‘Yung tipong hindi na kailangan pang ipamukha sa atin araw-araw na tatakbo sila sa darating na halalan.

Kaya ang pagpapakalat ng mukha at pa­ngalan, limitahan!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page