2 drivers huli sa aktong nagdodroga

KALABOSO ang dalawang drivers matapos mahuli sa aktong nagma-marijuana sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Caloocan City Police Chief Sr. Supt. Restituto Arcangel ang mga suspek na sina Michael Pangilinan, 36, ng Bgy. 142, at Victorino Bonifacio, 47, ng Bgy. 132.
Ayon kay Caloocan Police Community Precinct (PCP) 1 Commander PCI Joebie Astucia, alas-10:30 ng gabi, nagpapatrulya sina PO1s Jemar Veluz at Alfredo Adatta, Jr. sa kahabaan ng Bgy. 132, Bagong Barrio nang isang concerned citizen ang lumapit sa kanila at ini-report ang grupo na nagpa-pot session sa Gen. Concepcion St.
Agad nirespondehan ng mga pulis ang naturang lugar kung saan naaktuhan ang mga suspek na sumisinghot ng marijuana dahilan para arestuhin ang mga ito.
Nakuha ng pulisya sa lugar ang disposable lighter, aluminum foil na may bahid ng sunog na marijuana at dalawang plastic sachets ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana.





Comments