top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

VIRTUAL REALITY, TATAPATAN ANG UST KONTRA ENDERUN SA D-LEAGUE

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 21, 2019
1 min read

MAKATABLA ang University of Santo To­mas sa pamumuno ng As­pirants Group ang aasamin ng St. Clare College-Virtual Rea­lity sa pagsa­gupa nito kontra Family Mart - Enderun Col­leges ngayong hapon sa 2019 PBA D-League sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Magtutunggali ang Saints at ang Titans sa 2nd game ng triple bill ng 2 p.m. kasunod ng unang laro ng alas-12:00 ng tanghali sa pagitan ng SMDC-NU at ng Diliman College-Gerry’s Grill bago ang huling salpu­kan tampok ang Metropac-San Beda at Chadao-Far Eas­tern University ng 4:00 ng hapon.

Taglay ang barahang 3-0, panalo-talo, isang panalo na nahuhuli sa nangu­ngu­nang UST (4-0), pina­pabo­ran ang tropa ni coach Jinino Manansala kontra sa Family Mart-Enderun na wala pang naipapanalo matapos ang dalawang laro.

Ngunit umaasa si Ma­nansala na hindi mag ku-kumpiyansa ng labis ang kanyang mga manlalaro kontra Titans.

Ang tumaas buhat sa kinalalagyang 5th place ng Foundation Group ang ta­tangkain ng Diliman Col­lege-Gerry’s Grill (1-2) sa pagharap sa winless na SMDC-NU (0-3). Sisika­pin nilang makabalik ng winning track makaraan ang 65-71 nilang pagka­talo sa kamay ng Univer­sity of Perpetual.

Determinado ang Metro­pac-San Beda na umangat sa ika­lawang posisyon ng Foun­dation Group katabla ng Valencia City-San Se­bastian na angat sa kanila ng isang panalo sa hawak na bara­hang 3-1, panalo-talo.

Magtatangka ang ka­tunggali nilang Chadao-FEU na kumalas sa Mari­nerong Pilipino sa 4th place sa kanilang grupo taglay ang patas na barahang 2-2, panalo-talo. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page