UVC AT LIFESAVERS, MAGKAKASUBUKAN, SLR AT TORNADOES, IIWAS SA KAMALASAN
- BULGAR

- Mar 21, 2019
- 2 min read

MATULDUKAN ang kamalasan sa laro ang pakay ng Sta. Lucia kontra PLDT Home Fibr sa Philippine Superliga Grand Prix ngayon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan. Nakatakda ang aksiyon ng 7 p.m. at nais ng Lady Realtors na bumangon sa pagkakalugmok sa elimination round ng prestihiyosong women’s club tourney.
Samantala, maghaharap ang hilahod na Foton Tornadoes sa Cignal HD Spikers ng 4:15 p.m. habang target ng United VC na palawigin ang winning run sa pakikipagtilaran sa gutom din sa panalo na Generika-Ayala Lifesavers ng 2 p.m. sa torneo.
Tinalo ng Blaze ang Fibr noong Martes at nanatiling nasa tuktok ng team standings na may 10 diretsong panalo habang ang mahigpit na karibal na F2 Logistics Cargo Movers ay nasa 2nd spot na may 8-2 win-loss card at nalagay na sa twice-to-beat advantage sa quarterfinal round.
Kaabang-abang ang yugto ng laban dahil gutom ang lahat sa panalo at pakay pang pag-ibayuhin ang tsansa para makasampa sa dalawang natitirang quarterfinal bonuses.
Nanggaling sa pagkatalo ang Realtors sa Cargo at ang panalo ang maglalagay sa kanila sa perpektong posisyon upang maiwasan ang powerhouse Petron o ang F2 Logistics sa susunod na round. “We have to step up and work doubly hard in our next five matches,” ayon kay Sta. Lucia coach Babes Castillo, at aniya ang import na si Casey Schoenlein ang magsisilbing pambangga sa opensa habang ang local players na sina Jhoanna Maraguinot, Pam Lastimosa at middle blocker Molly Lohman ay aagapay din. Pero lahat ay nakaabang sa United VC.
Nanggaling ang squad sa isang morale-boosting win kontra HD at tagumpay laban sa Lifesavers na nais ding patatagin ang hawak sa third spot. “We’ll definitely prepare for Generika-Ayala,” anaman ni head coach Joshua Ylaya, na aniya peligroso pa rin na kalaban ang Lifesavers matapos ang dalawang panalo sa huling tatlong laban. “This is a very hungry team. They had some good games and they just got out of the slump. We have to give our best because winning over them takes a lot.”
Ibabalandra ni Ylaya ang star spiker na si Kalei Mau maging sina Filipino-American setter Alohi Hardy-Robins, Amy Ahomiro, Tai Manu Olevao at Yaasmeen Bedart-Ghani, na impresibo sa 4-set victory kontra HD Spikers. “We have to limit our errors,” ayon kay Ylaya, hinggil sa umibayong performance nina Thai Kanjana Kuthaisong at Azerbaijani Kseniya Kocyigit. “Their imports are now blending well with their locals. We have to stop them if we want to win this match.” Team Standings: Petron 10-0: F2 Logistics 8-2: PLDT Home Fibr 6-5: United VC 5-4: Cignal 5-6: Sta. Lucia 2-7: Generika-Ayala 2-7: Foton 1-8. (MC/VA)





Comments